Tags: Poetry

NI MARK ANGELES Inilathala ng Bulatlat Vol. VIII, No. 10, April 13-19, 2008 Niyayakap natin ang matandang puno ng mangga. Lahat tayo, nag-aatang ng ating mga kamay. Sa ilalim ng malalabay nitong mga sanga sabay-sabay tayong umuusal ng pulang awit. Unti-unting natutuyo ang ilang dahon: humuhulagpos sa kinakapitang duklay. Inilululan ng hangin sa ibang lugar…

NI ALEXANDER MARTIN REMOLLINO Bulatlat Vol VIII, No. 7, March 16-29, 2008 Sampung pisong pisbol ang kainin sa almusal. Sampung pisong pisbol ang kainin sa tanghalian. Sampung pisong pisbol ang kainin sa hapunan. Sa halagang P30, lubos nang matutugunan ang pangangailangang kumain nang tatlong beses sa isang araw. Para naman sa “panulak,” mabibili sa sampung…

NI JOI BARRIOS-LEBLANC Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 30, September 2-8, 2007 (Para sa mga magulang nina Jonas, Karen at Sherlyn at sa pamilya nina Luisa at Nilo ng Panay) Hinahanap ko Siyang nawawala. Pinagtatagpi ang mga ebidensiya, Pinagdudugtong ang mga salaysay, Idinudulog sa hukuman. Hinahanap ko Siyang nawawala. Iwinawaksi ang masamang panaginip: Ang…

NI GELACIO GUILLERMO Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 30, September 2-8, 2007 Tserman Mao, may pariralang binigyan mo ng kahulugang Sa tingin naming mga ordinaryong taong Walang lenteng pansipat o kaya’y masyadong mababa Ang tinutuntungan ay magkasalungat. Ito ang pang-abay na “sa madaling panahon.” Mula sa kinatatayuan mo, siniguro mo, Halimbawa, ang tagumpay ng…

NI RAUL FUNILAS Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 30, September 2-8, 2007 Lumalagaslas na talon sa parang ng laot Ang kuluting along walang dalampasigang mayayapos. Gahiblang buhok ang agwat sa buhol ng trapik Ng sari-saring sasakyang hindi umiimik sa SLEX. Dipang lumalakad nang paluhod ang matandang babaeng Ang serbisyong dasal ay inarkila para sa…

NI E. SAN JUAN, JR. Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 29, August 26-September 1, 2007 Habang humihigop ng di-kuno’y malahimalang tubig na bukal sa kanlungan ng Birhen sa Ephesus, pansamantalang natigil kami sa paglalakbay sa Turkiya, nakaligtaan kong kilatisin ang bigat ng pagsusumamo ni Lorena Santos na ilitaw ng rehimeng Arroyo ang kanyang amang…

NI REYNA MAE TABBADA Inilathala ng Bulatlat Vol. VII, No. 29, August 26-September 1, 2007 Ang most wanted na tao sa Pilipinas ay ang nagnakaw umano ng nunal ni Gloria. Binigay daw ito sa kanilang angkan upang maging gabay sa katarungang hindi maiiwasang may kilingan. Ang nunal ang panghatak sa bawat kusing, bawat turon sa…