Bulatlat
Secondary Menu
  • LATEST STORIES
    • Top Stories
    • Breaking News
    • News Analysis
    • Other Stories
  • Commentary
    1. Bulatlat Perspective
    2. Opinion
    3. Streetwise
    4. Gunita ng Salita
    5. Salungguhit
    Their good news

    Their good news

    November 27, 2019
    Heaven and Hell

    Heaven and Hell

    November 24, 2019
    Pueblos del mundo con Evo (Peoples of the world with Evo)

    Pueblos del mundo con Evo (Peoples of the world with Evo)

    November 14, 2019
  • Special Reports
    1. In-Depth Stories
    2. Full Coverage: Hacienda Luisita
    3. Full Coverage: Morong 43
    4. Full Coverage: 2010 Philippine Elections
    5. Full Coverage: 5th Anniversary of Hacienda Luisita Massacre
    What now, Panelo? | LRT-2’s decline amid funds misuse and dubious deals

    What now, Panelo? | LRT-2’s decline amid funds misuse and dubious deals

    October 14, 2019
    Bulacan fisherfolk, women want genuine, inclusive Manila Bay rehabilitation

    Bulacan fisherfolk, women want genuine, inclusive Manila Bay rehabilitation

    February 27, 2019
    No more unli rice | Assessing the impact of tariffication on food security

    No more unli rice | Assessing the impact of tariffication on food security

    January 20, 2019
  • Multimedia
    1. Video
    2. Slideshow
    3. Audio / Podcasts
    4. News in Pictures
    5. Photo of the Week
    6. Street Shooter
    7. Live Coverage
    8. Webcast
    9. Downloads
    Children of Ampatuan massacre victims sing for justice

    Children of Ampatuan massacre victims sing for justice

    November 18, 2019
    Valiant captain of the ship

    Valiant captain of the ship

    November 13, 2019
    ALAB Newscast: Pag-aresto sa Community Journalist

    ALAB Newscast: Pag-aresto sa Community Journalist

    November 9, 2019
  • Special Sections
    • On the Fringes
    • Regions
    • International
    • Archived Stories
    • State of the Nation Address
    • Alternative Reader
    • Democratic Space
    • Poetry
    • Must-Reads
    • Back Story
    • Press Releases and Statements
  • About Bulatlat
    • A Product of Its Time
    • Masthead
    • Citations
    • In the News
    • Support Alternative Journalism
    • Contact Us
    • Get Updates
    • Get Bulatlat’s latest news and updates via email
    • Syndication Policy
You Are Here: Home → 2019 → June → 26 → Malaya o nanlilimos? Ang anino ni Recto at ang trahedya sa Recto Bank

Malaya o nanlilimos? Ang anino ni Recto at ang trahedya sa Recto Bank

Bulatlat Contributors June 26, 2019 Claro M. Recto, foreign policy, imperialism

francis gealogo icon Usap-usapan ngayon ang naganap na trahedya matapos banggain ng sasakyang pandagat ng mga Tsino ang bangka ng mga Pilipino sa Recto Bank sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Trahedya ang naganap sa mga mangingisda dahil matapos silang banggain, iniwan lang sila ng mga Tsino sa gitna ng dagat at hinayaang magpalutang lutang nang ilang oras. Maililigtas lamang sila nang saklolohan ng mga mangingisdang Vietnamese. Trahedya rin na dahil sa pagkasira ng kanilang bangka, malaking halaga ang nawala sa mga mangingisda. Malaking halaga ang nawala sanhi ng nasirang bangka, ang nawalang huling isda, pati ang nawalang panahong dapat sana ay kumita na sila sa kanilang pangingisda sa dagat.

Subalit higit na trahedya nang ang kanilang sariling pamahalaan mismo ang hindi naniwala sa kanilang salaysay at sa halip ay kinampihan ang nakabanggang mga Tsino sa kanilang kakatwang bersyon ng pangyayari. Ang pangulo mismo ang nagsabi na isang maliit na insidente lamang ang nangyari at hindi dapat palakihin ang usapan kundi baka gyerahin ng Tsina ang Pilipinas at sinabing panakot na tiyak hindi tayo mananalo sa gyerang ito.

Kalimitang nagsasabi na laging domestiko ang turing ng politika sa Pilipinas. Mula sa kampanya hanggang sa proklamasyon at sa mga unang panahon ng pag upo ng isang nahalal, maraming pagkakataon na ang usaping panloob lamang ang nagiging sentro ng atensyon ng mga tao sa pagtingin kung mabuti o masama ang kandidato o pangulo para sa isang bayan.

Kakaiba kapag nasasadlak sa usapin ng kapakanan ng mga sariling mamamayan ang naihahain sa usapin at kinakailangang isakripisyo ito kapalit ng ‘mabuting pakikipag-ugnayan’ sa isang malaking bayan. Walang pagpipilian ang mga pulubi, sabi nga nila. Ang mga walang wala sa buhay ang nagsasakripisyo ng sarili niya, kahit ang dangal at pagtingin ng iba, dahil takot itong mawalan ng limos na ibibigay ng higit na malakas sa kanya.

Ganito ang nangyari sa Recto Bank at ang trahedya ng mga magsasaka. Noong 1950s, ganito na ang sinasabi ni dating Senador Claro M. Recto nang sabihin niyang parang pulubi ang Pilipinas sa pakikipag-ugnayan nito sa mas malalakas na bayan.

Ang kakatwa dito, nasa Konstitusyon ng Pilipinas ang pagtatakda ng malayang direksyon ng pakikipag-ugnayang panlabas subalit nagugulat pa rin ang mga tao kapag may pangulong nagsusulong nito. Tila nakalimutan na malaya na ang Pilipinas at nararapat lang na tumayo na ito sa sariling paa. Nahirati na sa pagiging palaasa sa tulong pinansyal at kapanatagang militar ang mga naunang pamahalaan kaya mas nanaisin pang mamalimos ng tulong mula sa labas kaysa igiit na malaya na tayo at kaya nang makipag ugnayan nang marangal sa anumang bayan na nanaisin.

Tila isang trahedya ang pakikitungo natin sa ibang bayan – kahit isa na tayong malayang bayan, parang laging handang magsakripisyo para lamang maging maganda ang turing sa atin ng malalakas na bayan.

Bakit nangyari ito sa Pilipinas? Sabi ni Recto, kung bangkarote ang lokal na administrasyon, mahina din ang pakikitungo natin sa ibang bayan. Kaya parang pulubi tayong naghahayag ng ating patakarang panlabas ay dahil mahina ang pamahalaan na palagiang umaasa sa pakikialam ng dayuhan upang solusyonan ang ating mga problema sa seguridad at pinansya.

Ang obligasyon ng pamahalaan sa kanyang sariling mamamayang ang isinasaisantabi kapalit ng pakikitungo at pabor na makukuha sa malakas na bayan. Ito ang obligasyon ng mga pinuno sa ating mga kababayan at ito rin ang sinasabi ni Recto na dapat maging batayan ng pagsusulong ng malayang patakarang panlabas. Igagalang tayo ng ibang bayan kung igigiit nating ituring tayong pantay at patas sa entablado ng ugnayan ng mga bayan.

A bankrupt administration must necessarily have a foreign policy of mendicancy; and it is inevitable that it should invite foreign intervention to do what it cannot do for itself. When a government cannot count on the united support of its own people, then it must unavoidably have recourse to the support of a foreign power; and because beggars cannot be choosers, we can be safely ignored, taken for granted, dictated to, and made to wait at the door, hat in hand, to go in only when invited.

But as long as we are an independent Republic, we can and should act as a free people and as Filipinos. As Filipinos we must profess and declare that the security of our nation is paramount, and as a free people we must profess and declare that, while the liberties of other peoples are important to us in this world of interdependence, our first duty is to our own.

Sa panahong higit na sopistikado na ang mga armas pandigma ng mga bayan, na nagiging maigting ang kumpetisyon ng mga ekonomiya ng iba ibang lipunan, at laging may nakaambang panganib mula sa terorismo at kaguluhang dulot ng pundamentalismong ideyolohiya na hindi kumikilala ng paggalang sa ibang bayan – ang pagsandig sa isang higit na malakas na bayan ay maituturing pa ring isang pamamaraan ng mga pulubi.Sa panahon ni Recto hanggang ngayon, makabuluhan pa ring tingnan kung paano natin igigiit ang ating kalayaan, at kung paano natin makakamit ang tamang paggalang at pantay na pagtingin sa atin ng ibang bayan. Si Recto ang nagsabi sa kasaysayan na panahon na para umalis tayo sa pamamaraan ng mga nanlilimos at maging isang kagalang galang na lipunan sa harap ng pandaigdigang tanghalan. Ang magkakapatong na trahedyang sinapit ng mga mangingisda sa Recto Bank ang patunay na patunay pa ring nanlilimos ang pamahalaan sa pakikitungo nito sa ibang bayan. ()

Reference:
Claro M. Recto, “Our mendicant foreign policy”, a speech at the commencement exercises, University of the Philippines, April 17, 1951

*The author is a professor and former chair of the Department of History, Ateneo de Manila University; former commissioner of the National Historical Commission; convenor of Tanggol Kasaysayan; member of the Alliance of Concerned Teachers. He finished his AB History, MA in History and PhD in Philippine Studies at University of the Philippines Diliman.

Share This Post

You might also like:

  • Fiscal urged to drop perjury charges against 80-year-old nun

    Fiscal urged to drop perjury charges against 80-year-old nun

  • Verdict on Ampatuan Massacre out December 19

    Verdict on Ampatuan Massacre out December 19

  • Lam-ang: More than epic, re-education

    Lam-ang: More than epic, re-education

  • Palawan para-enforcers protecting the last ecological frontier

    Palawan para-enforcers protecting the last ecological frontier

Recent

  • Fiscal urged to drop perjury charges against 80-year-old nun
  • Verdict on Ampatuan Massacre out December 19
  • Lam-ang: More than epic, re-education
  • Palawan para-enforcers protecting the last ecological frontier
  • Artists group calls for the immediate release of Panday Sining 4
  • Striking workers vow to continue Bonifacio legacy
  • Advocates pay tribute to women rights defenders
  • Success in sustainable bungkalan farming in Mindanao hailed at national confab
  • Honoring environmental warriors, green groups launch Envidefcon
  • Climate strikers : ‘We are the light amid darkness’

15 years of journalism for the people

15 years of journalism for the people

Rice not bullets

Bigas hindi bala

MultimediaMore

  • Children of Ampatuan massacre victims sing for justice

    Children of Ampatuan massacre victims sing for justice

    November 18, 2019 0 Comment
    Children of the victims of the #AmpatuanMassacre perform a song at the massacre site in…
    Read the rest of this entry

SalungguhitMore

  • Flipped

    Flipped

    November 25, 2019 0 Comment
    By DEE AYROSO
    Read the rest of this entry

Martin's PurrspectiveMore

  • Their good news

    Their good news

    November 27, 2019 0 Comment
    By DEE AYROSO
    Read the rest of this entry

Street ShooterMore

  • Ancient skills

    Ancient skills

    May 25, 2018
    By RAYMUND B. VILLANUEVA
    Read the rest of this entry

Photo of the WeekMore

  • Street play

    Street play

    October 14, 2019
    BY KATHY YAMZON
    Read the rest of this entry

‘Rise, Dance, Strike’

Other StoriesMore

  • Verdict on Ampatuan Massacre out December 19

    Verdict on Ampatuan Massacre out December 19

    December 3, 2019 0 Comment
    "We expect nothing less than a conviction especially those directly responsible and involved in the…
    Read the rest of this entry
  • Lam-ang: More than epic, re-education

    Lam-ang: More than epic, re-education

    December 2, 2019 0 Comment
  • Palawan para-enforcers protecting the last ecological frontier

    Palawan para-enforcers protecting the last ecological frontier

    December 2, 2019 0 Comment

A product of its time

Bulatlat.com was a product of the times. It was born right after the ouster of the Estrada administration in 2001 by a politicized and empowered citizenry who were tired of the blatant corruption by those who claimed to work for the interests of the Filipino people. Learn more »

Bulatlat tweets

My Tweets
© 2016 Bulatlat.com ·