Siyam na Sigaw ng Katarungan

Ni ROMMEL PIPOY LINATOC

Isa, ang deka-dekadang kasaysayan ng KAGUTUMAN
Dalawa, pang-aalipin at kalabisan
Tatlo, panginoong nagpapasasa sa TUBO
Apat, punglo ng mga berdugo
Lima, mga balitang mapanlinlang
Anim, pangdarahas sa LUPANG pinagyaman
Pito, mga tsinelas na duguan at pamilyang iniwan
Walo, mga buhay na siniil at kinitil
Siyam, mga kaluluwang sumisigaw ng KATARUNGAN!!!

()

Share This Post