Pinokyong Loro

Ni EDEN BRILLO

Ang loro sa palasyo
Talak nang talak ng kung anu-ano.
Kanta nang kanta,
Kahit wala sa tono.
Sunud-sunuran sa amo,
Bahag ang buntot,
Nilunok ang itlog,
‘Di na iniinda ang kabulukang pinasok.

Ang loro,
Kinatuwaan ng mga tao.
Labing-anim,
Nabulid ng lokong ibong sinungaling.

Labing-anim,
ngising aso.
‘Pagkat ramdam ang mahal ng mga bilihin.
Implasyon ang sinagot sa mga daing.

Kayong labing anim,
Tuwang tuwa sa haring gala,
Di ninyo alam ‘di lang ating lupa
Pinamigay sa mga chekwa,
Kahit trabahong sana’y sa ating manggagawa,
Higit 500 binigay sa mga banyaga.

Bukas,
Makalawa,
Ano na naman kaya ibabalita ng lorong papalakpakan ng labing-anim na madla?

()

Share This Post