Hay(na)Ku Blg. 12

Ni ANGELI MARIE AY L. CASAUAY

Si
tatay ang
naghatid sa akin.

Strike kasi ngayon,
wala siyang
byahe.

“Mamaya
anak, si
nanay naman susundo.

Kailangan makiisa ni
Tatay, hanggang
gabi.”

Kahapon,
bumusina nang
malakas si Tatay.

Sabi ng kalaro
ko, “huling
busina”.

” Mali,
sabi ko,
Lalaban sila Tatay.”

Si Angeli Marie ay L. Casauay ay ganap na kasapi ng KATAGA-Manila South

()

Share This Post