Mga Buwaya at Ulupong sa Hunyangong Panahon

Ni ROMMEL PIPOY LINATOC

Ang buwaya’y madalas ihambing sa mambabatas
Lahat lalamunin hanggang biktima ay makatas
Sasagpangin ang pagkakataon, pangil ay ibabaon
Walang panginginaing mababakas hanggang sa malulon

Ang ulupong ay laging ikinakahon sa mga taong taksil
Kamandag na matapang , sa isang iglap ika’y makikitil
Walang patumangga, ilalalagay ka sa hilahil
Saka mamahinga at magpapataba ng bilbil

O mga lingkod bayan, kayo ay may talino
Walang malay na buwaya at ulupong, itinutulad sa Inyo
Sa kalabisang pinag-gagawa at pagiging palalo
Huwag maging hunyango, maglingkod kayo sa TAO.

Ang may-akda ay isang ecumenical worker, guro sa University of the Philippines at mandudula.

()

Share This Post