Limang kabaong

Ni KARL PAULIE ESCUDERO ANARETA

Panglima ka na pala
Masama mang isipin
Pero inasahan ko na rin
Na mayroon pang susunod sa kanya
At malamang, sa iyo

Panglima ka na pala
Sa ganitong sistema
Na ang edukasyo’y kailangang
Ibenta at ilako Nakakasuka
Pero, normal lang daw
Tangina
Walang tayong takas
Walang tayong lusot
“Bakit? May pambayad ka ba?”

Panglima ka na pala
Ayoko nang makita ang pang-anim
Ayaw ko nang marinig ang pampito
Hindi kakayanin ng kalamnan ko
Kailangan nang palitan
Ang sistematikong pagpaslang
Ngayon na, ngayon na, ngayon na, ngayon na

Panglima ka na pala

Ititigil ko na ang pagbibilang
Hindi na tayo magbibilang
Dahil, sa pagkagat ng tagumpay
Wala na tayong bibilangin

()

Share This Post