Ma-Perwisyong Rumaragasang Tren

ss-mrt-tro-bytildeBy CHRISTINE ANNE T. CABANATAN
Bulatlat.com

MRT? Tila yata ito ay Ma-Perwisyong Rumaragasang Tren
At ito ay nagbabadyang isang konsumisyon
Ang suliraning ito ay hindi buhat sa isang ilusyon
Nagtaas ang pasahe at ito ay naging mistulang bagahe
Serbisyong natatamo ay isang malaking perwisyo
Yung tipong papunta ka pa lang, e amoy pauwi ka na
Kay dalas makaantala ng mga lakad o importanteng bagay ang pagka-sira ng mga tren
Anyare sa gobyerno? Nais lang ba itong ipa-trend?
Kaganapang ito ay isang malaking kwestiyon
Kayo, ano ba ang inyong suhestiyon?
()

Share This Post