Ulat Ulap

Kahit di man umulan ngayon,
Kulimlim ang lumatag
Na mga balita,
Isang ina na inakay sa
Isla ng kamatayan sa salang
wala siyang muwang,
Ang nagbilin sa mga anak
Na huwag siyang kalilimutan,
Habang ang pinuno ng kanyang bayan
ay nagkibit-balikat lamang.

At yanig din ang mundo sa
Di mabilang na
Mamamayang inilibing ng
Nagngalit na kalikasan.

Di man umulan ngayong araw,
Kay bigat ng ulap,
Na nais bumagsak
Sa mundong inaagawan ng mga pangarap.

Ni Luchie Maranan
()

Share This Post