Kremil-S

Pagkain nga kung bulok ay tinatapon din…
Sistema pa kayang inaamag na sa dilim?
Pambihira nga naman ang lipunan natin;
Pati kaning baboy ay titiisin, ‘wag lang sikmurain…

Talamak na ngang talaga ang gutom sa ating bayan…
Kung kaya’t pati tira-tira, pinapatos na ng mamamayan;
Sistema, opisyal, pamahalaan—tila ba wala nang pamimilian…
Ni hindi na nga pinag-iisipan, tuwing halalan ay bumubulong na lang, “Pwede na ‘yan.”

Hanggang kailan kaya tayo magtitiis sa tira,
Sa bulok, sa patapon, sa mga pagkaing wala nang lasa;
Sistemang panis, ‘wag na sanang kainin pa…
Lalo na ngayo’ng tumaas na ang presyo ng Kremil-S sa botika.

Ni Faith Chloe G. Patacsil
()

Share This Post