Sila’y na-delubyo

Ni LIONELLE DUQUE TAN
Bulatlat.com

Sardinas sa umaga,
Sardinas sa gabi,
Hindi nakakasawa,
Bagkus nakakasuka!
Nakakasuka ang pambababoy sa isda,
De-latang may balot ng mukha,
Ni Mayor,
Ni Congressman,
Ni Gov,
Ni Sec.

Sila’y na-delubyo,
Delubyo ng kahangalan,
Sila’y na-delubyo,
Delubyo ng kapabayaan

Kinulayan ng dilaw ang bawat supot,
At bilang ang bawat pag-abot,
Ang pagkaing karampot,
Sa mga nasalanta’y pinagdadamot.

Sila’y na-delubyo,
Delubyo ng kasakiman,
Sila’y na-delubyo,
Delubyo ng kahuwadan.

Sila’y hindi pinatay ng bagyo,
Sila’y pinatay nino?

Pinatay nino?

Nino?
Ng hari ng delubyo,
Si Aquino.

*Si Lionelle Duque Tan, mas kilala sa alyas na “Tan”, ay edad 20 taong gulang. Sa kasalukuyan, nagtuturo sa isang sekondayang paaralan. Siya’y mahilig magsulat ng tula, kwento, at kung ano-anong mga istorya.

/wp-content/uploads/2010/12/bulatlat_tagline.jpg” alt=”()

Share This Post