An Open Letter to the Philippine Embassy in Tripoli, Libya

February 28, 2011

Attention:
Ambassador Vicente
ANT Admin Jovencion Catbagan
Welfare officer Rosauro Octiavano

Dear Sir,

Nais ko po alamin sa inyong tanggapan riyan sa ating embahada sa Tipoli libya kung ano po ang kalagayan sa 17 ofws ng CKG na naiwanan ng kanilang employer? Midyo matagal na po ito sa shelter ng embassy?

Sana po pagdating ng pundo mula sa dfa or owwa ay maisama niyo po ito sa pag pauwi na libreng ticket dahil 2 years na silang nag antay sa inyong tanggapan at walang pang aksyon at ngayon nagkagulo-gulo na dito sa libya ano ang balak niyong gawin sa kasong ito?

Disclaimer | What you are reading is either a press release/ statement or a manifesto. These materials do not go through our editorial process and do not reflect our policy or position.

Alamin din naming ang kalagayan ni ofw Ricky Ili yun kasamahan namin sa MAN Ferrostaal siya po ba ay inasikaso ng inyong officer?

Nais din naming alaming kung meron po ba kayong alam sa ating lga kababayan sa Misurata University Professor ng Nursing Dept.?
Sila po ay umaasa sa inyong kagyat na tulong at kaelan po sila maka uwi ng Bansa lalo pang lumala ang kaguluhan dito sa Libya?

50M na sinasbi ni Mr. Catbagan ay nagamit niyo na ba ito para sa ating mga ofws na trapped dito sa Libya? Ilan na po ba ang naka benipesyo sa ating mga kababayang pobring ofws dito sa libya sq pundong iyan?

Isang katanungan sa mga OFWs dito sa Libya kung bakit maling ipormasyon na pinalabas niyo sa media at itinago ang katotohan na meron gulo dito sa libya? Kayo po bay totoong walang pundo o ayaw lang kikilos para ilikas ang mga kawawang ofws sa Libya?

Sa monitoring namin sa bawat area sa boarder ay walang Bandela ng bansa natin na dapat mag lagay po kayo para madaling makita ng mga ofw naiwan ng inyong embahada,bakit wala?

Pilipinas nalang ang pina kahuling naglikas dito sa libya dahil sa inyong Katangahan at pagka Manhid !!! Naka uwi nga ang mga Martyr na bagong Bayaning ofw sa tulong ng mga empolyer hindi sa inyong tanggapan ayon sa kanilang ire sa media.

Kaelang po kayo mag likas ng mga ofws sa deserto na wala ng pagkain at laging naransak ang mga kampo? wala ng mga employer dahil mas nauna pa itong lumikas dahil parang taga embassy din na mga takot.

Ayon po ni.Mr.Catbagan ay meron ay DH OFWs pinay dito sa Libya ,ang iba ay nasa bahay nila Gaddafi at mga royal na pamilya dito,meron po kayong balak na ilikas ito o hayaan niyo nalang na kasama sila sa paulanan ng bala?

Maraming Salamat po,

Gil Lebria
Migrante Libya

Reposted by ()

Share This Post

One Comment - Write a Comment

Comments are closed.