awit kina benjamin abalos at mike arroyo

NI KAYAN LIWARI
Inilathala ng Bulatlat
Vol. VII, No. 34, September 30-October 6, 2007

(pasintabi sa mga pinakamasahol na burukrata-kapitalistang nag-uunahang humalik sa kanilang paanan. akin ang unang pagpupugay.)

akala ko ako’y makata
ngunit ngayon,
napakatabang kahit ng pinakamaanghang kong taludtod
at birheng walang galos
ang hubo’t hubad kong talinhagang
ginagahasa ng puyos.

baboy! salaula!
buwaya! masiba!

kaypurol ng matalas na dila ng aking pluma.
patawad!
patawad, mga baboy at buwaya!

set. 28, 2007

Inilathala ng Bulatlat

Share This Post